Alex Medina: Sexuality is fluid

Alex Medina might just consider being in a loving relationship with someone who is gay.

Nilinaw ni Alex Medina ang naging pahayag niya sa isang interview kung saan sinabi niyang posible siyang ma-in love sa isang gay o bakla.

Pahayag ng aktor, “Ang sinabi ko lang doon sa isang TV interview, kung posible ba akong ma in-love sa isang gay, sabi ko ay may posibilidad naman iyon.”

“Kasi, sexuality is fluid kumbaga. Hindi mo matutuldukan hangga’t na-try mo na.”
So, talagang may posibilidad na ma-in love si Alex sa isang gay?
Tugon niya, “Oo naman, siyempre. Kasi, hindi ba, ang daming istoryang ganyan, tulad ng Brokeback Mountain.”

“Na barako sila, tapos mamaya-maya, kung ano na ang ginagawa nila sa bundok… So, hindi mo masabi, e.” »